Tuesday, August 15, 2023

1st Div ng 510 Squadron, nakiisa sa Presby Cares Medical Mission


MOGPOG, Marinduque -- Nakiisa sa Presby Cares Medical Mission ang mga opisyales at miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary-510 Squadron Marinduque First Division ngayong araw, Agosto 15 na ginanap sa Barangay Bintakay, Mogpog.


Pangunahing naging gampanin ng mga volunteer mula sa Boac-Mogpog First Division ay ang pag-check ng blood pressure ng mga pasyente, pamamahagi ng lugaw, at pagtulong sa medical team habang nagbigay ng libreng meryenda si AUX LT Natasha Valerie Dellosa.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang gawain ay sina AUX LTJG Jojie Logatoc, AUX ENS Frincess, AUX LTJG Aive Marciano, AUX ENS Michael Vencint Sualog at AUX LT Roselle Ola. (RAMJR/510 Squadron Marinduque)

No comments:

Post a Comment